Friday, January 4, 2013

Bakit ganito sa Pilipinas

Sinong corrupt?

Nakakapanood ka pa ba ng balita sa television? 
Alam mo ba ang nagaganap sa ating bansa sa ngayon? 

Kung hindi ay marahil isa ka sa mga taong masyado ng busy sa buhay o wala ng pakielam sa mga nang yayari sa paligid mo.

Pero kung ikaw ay updated parin sa mga kaganapan ngayon, marahil ay sawa ka narin sa mga paulit ulit na balita sa television at radio.
O baka ikaw rin naman yung tipo ng tao na naiinis na sa sitwasyon ng ating bansa at nag sasabing wala nang pag asa ang ating bayan. Pero naisip mo ba kung bakit ganito ang sitwasyon dito sa Pilipinas? Bakit puro nalang bad news ang lumalabas sa mga balita at kung bakit nahuhuli tayo sa pag unlad kung ikukumpara tayo sa ibang bansa?
 

Wednesday, January 2, 2013

7 years old na bata namatay na pag katapos tamaan ng ligaw na bala




Isang malukot na balita.

Pagkalipas ng 2 araw na pakikipag laban sa kanyang buhay ay pumanaw na ang 7 taong gulang na si Stephanie Nicole Ella. 2:26pm ng idiklarang patay ang bata sa East Avenue Medical Center dahil sa cardiac arrest.

Si Nicole Ella ay isinugod sa Hospital pagkatapos tamaan ng ligaw na bala sa kanyang ulo habang nanonood ng fireworks noong January 1, 2013 mga alas dose ng hating gabi.

Tuesday, January 1, 2013

Top ten most DANGEROUS FIRE CRACKERS

As of January 1, 2013 ay umabot na sa higit 400 ang bilang ng bikitma ng paputok at ligaw na bala. karamihan ay mga bata at mga nakainom. Ayon sa DOH ay may bumamaba ng 20% ang bilang ng mga nasugatan kung ikukumpara ito noong nakaraan taon.

karamihan sa mga naaksidete ay naputukan ng picollo, mother rocket at ang pinaka mamalala ang Goodbye Philippines.

Monday, December 31, 2012

HAPPY NEW YEAR!


Quick tips para maiwasang maputukan


Taon taon nalang ay may roon nababalitang biktima ng paputok. Kung kayat di maiiwasan na parami ng parami ang mga lugar na nagbabawal sa pag gamit nito tuwing sasapit ang bagong taon. Pero ang pag papaputok ay isang tradisyon ng mga Pilipino at alam naman natin kung gaano katigas ang ulo ng mga pinoy. Kahit na bawal ay gagawin at gagawin parin. (malungkot kasi ang salubong ng bagong taon ng walang putukan). So para sa mga matitigas ang ulo ito ang mga paraan kung paano magiging ligtas o mababawasan ang sakuna sa pag gamit ng paputok.

Babala: 
may mga lugar na bawal ang pag gamit ng paputok at maaring kang hulihin ng barangay kung susuway ka sa pankala kaya wag matigas ang ulo.

Kahit na gaano kadami ang pag iingat ay hindi ko parin ito masasabi na 100% ligtas kaya kung hindi ka sigurado ay wag ka nalang mag paputok.

  1. mag-suot ng Jacket at pantalon – ito ay mag sisilbing proteksyon para sa shock wave na dala ng paputok kung sakaling sumabog ito ng malapitan sayo.
  2. goggles o eye protection – gumamit ng goggles o salamin
  3. mag suot ng sapatos – proteksyon sa paa
  4. gumamit ng face mask para sa ulok
  5. gumamit ng earplug – proteksyon sa ingay
  6. humanap ng isang lugar – kung maari ay isang pwesto lamang na malayo sa mga tao at sasakyan.
  7. gumawa ng mahabang pang-sindi – gumamit ng mahabang stick (2 feet or more) na may katol sa dulo at ito lang gamiting pang sindi sa mga paputok at kwitis.
  8. Wag uminom ng alak – kailangang matalas ang isipan mo para maka react kaagad pag nag papaputok.
  9. wag hawakan ang paputok – wag na wag mong hahawakan habang sinisindihan ang paputok! Laging sindihan ito malayo sa iyo!
  10. mag lagay ng timer – lagyan ng timer ang mitya ng paputok sa pamamagitan ng pag tangal ng kaunting pamalat at bulbura sa mitya ng papuntok. Magbibigay ito sayo ng mas mahabang oras para makalayo bago ito pumutok.
  11. wag sisindihan ulit ang mga paputok na pumalya. Mamaring biglang sumabog ito ng di inaasahan.
  12. wag tatapat sa bibig ng fountain o kwitis pag sinisindihan o pag katapos gamitin
  13. buhusan ng tubig ang kalsada o lugar kung san kayo nag paputok bago mag walis at gumamit ng walis tingting. Wag na wag mamumulot ng mga di pumutok na paputok.
  14. itapong ng wasto ang mga kalat at wag susunugin
  15. magsaya at mag enjoy ka beside BAGONG TAON NANAMAN!

Aside sa mga precaution madamit din namang alternatibo na pwede nating gawin para mas maenjoy ang bagong taon.
  1. torotot, kaldero – di lang ito para sa mga bata!
  2. itodo ang radio sa pinaka malakas – pag kakataon mo na itong gawin ng di ka sisigawan ng iyong kapit bahay.
  3. busina ng sasakyan – kung may motor ka o kotsye paandarin mo ito at mag busina
  4. mag pasayaw sa kalye – party party
  5. Videoke till dawn – kahit na sintonado ka basta masaya ka

simulan na ang countdown yahoo!!! madami pang paraan para sa masayang pag salubong ng bagong taon na di nakaka-piligro ang sarili. tandaan mas isang gabi lang ang bagong taon at mas masayang harapin ang hinaharap ng walang masakit at kumpleto ang parte ng katawan.

Ang mahalaga lang naman dito ay nag eenjoy ka at masaya sa pag pasok ng BAGONG TAON!