As of January 1, 2013 ay umabot na sa higit 400 ang bilang ng bikitma ng paputok at ligaw na bala. karamihan ay mga bata at mga nakainom. Ayon sa DOH ay may bumamaba ng 20% ang bilang ng mga nasugatan kung ikukumpara ito noong nakaraan taon.
karamihan sa mga naaksidete ay naputukan ng picollo, mother rocket at ang pinaka mamalala ang Goodbye Philippines.
Top 10 most dangerous fire crackers
10. Roman candle - isang uri ng kwitis na may binubugang bilog na ilaw, harmless kung tignan ngunit bigla rin sumasabog pag mali ang pagkakagawa. o kaya naman nakakapag dulot ng pinsala kung mali ang pag gamit.
9. Mother rocket - tinaguriang nanay ng baby rocket ito ay isa pinaka matagal na ginagamit tuwing sasapit ang bagong taon. Kadalasang nagiging sanhi ng aksidente ay ang maling angulo ng mother rocket at ang di ma control na pag lipad nito.
8. Boga at kanyon - kung tutuusin ay di naman delikado ang boga at kanyon kung marunong at di tatanga tanga ang gumagamit. nagiging delikado lamang ito kung lalagyan mo ng bala tulad ng lata na maarin makatam ng mga nag dadaraan o sino mang nasa tapat nito.
7. Fountain - isa sa di mo aakalain makapag-bibigay ng pinsala dahil para laman itong kwitis ngunit may mga pag kakataon na masyadong siksik ang pakakalagay ng bulbura dito na maaring mag dulot ng nakakapinsalang pagsabog.
6. 5 star , super lolo at pla pla - kilala rin sa tawag na triangle na isa sa mga unang sansi ng pag ka wala ng daliri ng mga kabataang pinoy noong 90's tuwing sasapit ang bagong taon.
5. Bawang - di tulad ng triangle ang bawang ay hugis oblong na ka halintulad ng totoong bawag at lakas nito ay maihahambing sa pag sabog ng lolo thunder.
4. Watusi - dahil sa maliit at pulang kulay ang watusi ay madalas na napagkakamalang candy ng mga bata na nag dudulot ng pag kalason at kamatayan. Maari ding malason ang batang humawak sa pamamgitan ng pag kain sa daliri lalo na pag hindi naghugas ng kamay.
3. Darna - ito ay ang inipong pulbura mula sa mga paputok at sisindihan, karaniwang ginagawa ng mga bata pagkatapos ng putukan. ang usok mula sa nasusunog na bulbura ay nakakasama sa baga ng makakalanghap nito, maari din itong mag dulot ng minor burns sa buhok kilay at balat pero ang pinaka mapanganib dito ay ang paraan ng pag kuha ng bulbura, dahil kadalasan ang mga bulbura ay galing sa mga di pumutok na fire crackers at ito madalas nagkakaron ng aksidente.
2. Goodbye Philippines - sa pangalan palang alam mo na malakas ang sabog nito. Ito na siguro ang pinaka malaki at pinaka malakas na triangle na makikita mo tuwing bagong taon. Dahil dito, mangilan-ngilan lamang ang mga pinoy na nag lalakas ng loob na gumamit ng goodbye Philippines.
1. Picollo - At ang nangungunang sanhi ng aksidente ngayong 2013, ang picollo. kung titingnan ay napaka inosente at ligtas gamitin ang picullo dahil napakaliit nito at matagal pumutok. ngunit ito rin ang dahilan kung bakit ito naging sobrang delikado. Dahil sa hina ng putok nito kumpara sa triangle, madaming kabataan ang nag lalakas ng loob na paputukin ang picollo habang hawak hawak ito sa dulo.
madami pang mga malalakas at delikadong paputok na diko na ilagay sa top ten tulad ng Judas belt, crying cow at iba pa dahil sa mas kakaunti ang gumagamit nito at mas maingat ang mga tao sa pag gamit ng mga ganitong paputok.
No comments:
Post a Comment