Isang malukot na balita.
Pagkalipas ng 2 araw na pakikipag laban sa kanyang buhay ay
pumanaw na ang 7 taong gulang na si Stephanie Nicole Ella. 2:26pm ng idiklarang patay ang bata sa
East Avenue Medical Center dahil sa cardiac
arrest.
Si Nicole Ella ay isinugod sa Hospital pagkatapos tamaan ng
ligaw na bala sa kanyang ulo habang nanonood ng fireworks noong January 1, 2013 mga alas dose ng
hating gabi.
Ang nakakagigil pa dito ay nahihirapan ang mga pulis na
tukuyin ang salarin dahil hindi pa natutukoy ng PNP kung rehistrado ba o hindi
ang baril na pinanggalingan ng bala. Naniniwala ang PNP na malapit lang sa
lugar ng biktima ang saralarin.
40 na katao ang naitalang nabiktima ng ligaw na bala noong
bagong taon, mas mababa nga kung ikukumpara noong nakaraan na taon ngunit di
ibig sabihin noon ay natuto na tayo
dahil malaki parin ang bilang na yon. At bakit parang hindi parin nakakagawa ng
comprehensive system ng PNP kung paano natin ma tra-track down ang mga shooters
at kung meron man, bakit hindi ito na iimplement ng maayos?
Oo ngat mahigpit ang PNP sa campanya nila o pag babawal nila
sa kanilang tauhan na mag paputok tuwing bagong taon pero paano naman yung mga
civilian na madaling nakaka kuha ng baril dahil may mga kakilala sa loob para
mag lakad ng papers nila. Meron naba silang nahuling Pulis o civilian noong
nakaraang taon na nag paputok ng baril? At gaano kabigat ang parusa sa mga
mahuhuli? Pero siguro ang pinaka nakaka-gigil dito ay gaano kaya katagal
tututukan ng PNP ang kaso ni Nicole Ellie? dahil ang kinakatako ko dito ay pag
di na mainit ang kwento ng batang tinamaan ng ligaw na bala baka di narin
masyadong tutukan ng pulisya ang kaso at baliwalain ang pag aaral kung paano
lulutasin ang ganitong problema.
No comments:
Post a Comment