Saturday, December 29, 2012

China World Dominance


Ang China ay isa sa pinakamalaking bansa sa buong mundo at isa rin sa pinaka makapang-yarihan. Kilala rin ang China sa isa sa mga pinaka competitive na bansa di lang sa Asia pati narin sa buong mundo kahanay ng iba pang Super Powers tulad ng America, London at Japan. At masasabi rin natin na sila ay may maganda at mayaman na cultura kumpara sa sating bansa.


Ngunit sa mga nag daan panahon tila kakaiba ang pamamayagpag ng China, I mean parang meron silang gustong makamit o patunayan sa buong mundo at kung uusisain natin ang mga action at ginagawa ng China sa mga nag daang taon, di lang sa ating bansa kundi pati narin sa ibang lugar ay mapapasin natin na parang gusto nilang maging dominante o sakupin ang buong mundo.


Alam ko na napaka lawak at mahirap patunayan ang mga accusation ko. ngunit kung iisa isahin natin ang mga ginagawa nila, parang doon na nga patungo ang landas nila.

West Philippine sea
Unahin natin ang pinaka malapit sa ating bansa. Ang Scarborough Shoal o Scarborough Reef, kilala rin sa tawag na Huangyan Island ng mga China ay matagal ng pinag aawayan ng Pilipinas at China.

Sabi ng China matagal na nilang na-diskubri ang Shoal ayon sa kanilang kasaysayan. Ito ay isang sa lugar-palaisdaan ng mga Chino at naitala na teritoryo ng China noong 1279 sa ilalim ng Yuan dynasty.

Samantala binase naman ng ating bansa ang pag aari ng mga isla ayon sa PIL o Public International Law para sa tamang pamamaraan ng pag angkin ng teretoryo.
Ayon din sa kasaysayan ng ating bansa ay ginamit din ng mga sinaunang Pilipino ang Shoul sa pangingisda noong bago paman tayo nasakop ng mga Kastila.

Ngayon di na natin masyadong uusisain pa ang debateng ito dahil hahaba lang ang usapan. Ang gusto kong puntuhin dito ay ang pananakot na ginagawa ng Gobyerno ng China sa Pilipinas. Sa nakalipas na buwan nitong nagdaang taon ilang ay nag padala ng madaming barkong pag digma ay China para mag patrolya sa  Scarborough Shoal. Ganon din naman ang ating bansa ngunit malalahata natin na masyadong pinag mamayabang ng China ang kanilang mas nangungunang teknolohiya sa pakikidigma sa dagat. Isama mo pa ang panankot sa pamamagitan ng pag papakita ng bilis at lakas ng kanilang sandata.

Ngunit bakit ganon na lamang ang pag nananiis ng China na makuha ang isang yung? Dahil lang ba sa langis at iba pang laman dagat nito o dahil malapit ito sa ibang bansa tulad ng Vietman at Philippines?

China at USA
Kung ihahabing natin ang kakayahan ng ating bansa ay malaki talaga ang lamang ng China at kung mag kakaroon man ng digmaan sa pagitan ng China at Phililippines hindi magiging maganda ang kakalabasan nito para sating bayan. Kahit pa humingi tayo ng Tulong sa ibang bansa tulad ng USA ay malabo paring tulungan tayo dahil sa ngayon ay hawak sa leeg ng China ang America.
 Sa salukuyan umaabot na 14 trillion dollars ang utang ng USA sa ibang bansa at pinakamalaking bahagi nito ay sa bansang China.
Kaya kung magkagulo man ay mamaaring wala ring magawa ang America para pigilan ang China sa kanilang ginagawa. Dahil natatakot ang administrasyong Obama na baka alisin ng china ang kanilang mga investors sa USA at maging sanhi ito ng bagbaksak ng kanilang econimiya.


China at Mundo
Noong nakaraang araw lang ay sininarado ng Gobyerno China ang kanilang communication sa mundo sa pamamagitan ng pag block ng mga international websites sa internet ng China at ang mahigpit na pag gamit ng internet ng mga Chino. Kung nahihigpitan tayong mga pinoy sa Cyber Crime law mas mahigpit ang batas ng China sa cyber media.

At ang pinakabago at matinding ginawa ng China bago paman matapos ang taon ay ang pag lalagay ng mga armas pang digma (Long Range Missiles) sa ibabang bahagi ng kanilang bansa na para bang nag hihintay ng gera. Hindi lang yun ang mga naturing long range missiles ay naka tututok sa Pilipinas, Vietnaman at iba pang bansa na malapit sa South China Sea.

Huling salita
Nakakatakot isipin na kung mag deklara ang China ng World domination, Mukang Philippines ang unang una nitong target. Sa totoo lang hindi ko gusto ang ilang ugali ng mga Chino… dahil masyado silang mapang mataas at mahilig silang mang-sakop. Pero sa ibang topic ko nalang yon ibabahagi.

Ang nakaka gigil dito ay hindi sapat o kulang pa ang ginagawa ng ating pamahalaan upang matugunan ang mga maaring mang-yari sa hinaharap. Pero kung iisip natin masyado ng malayo ang agwat ng China satin kung kayat mahihirapan na tayong tapatan ang kanilang kakayahan. Pero naniniwala ako na di pa huli ang lahat at dahil mas magaling ang pinoy sa Chino.

Ang mas nakaka-gigil nga lang ehhh tamad tayo o masyado nang colonial ang pag iisip ng mga pinoy kaya wala na silang paki-elam sa maaring maganap.

http://www.youtube.com/user/AlJazeeraEnglish
http://en.wikipedia.org/wiki/Scarborough_Shoal
http://usgovinfo.about.com/od/moneymatters/ss/How-Much-US-Debt-Does-China-Own.htm

No comments:

Post a Comment