Sinong corrupt?
Nakakapanood ka pa ba ng balita sa television?
Alam mo ba
ang nagaganap sa ating bansa sa ngayon?
Kung hindi ay marahil isa ka sa mga
taong masyado ng busy sa buhay o wala ng pakielam sa mga nang yayari sa paligid
mo.
Pero kung ikaw ay updated parin sa mga kaganapan ngayon,
marahil ay sawa ka narin sa mga paulit ulit na balita sa television at radio.
O baka ikaw rin naman yung tipo ng tao na naiinis na sa
sitwasyon ng ating bansa at nag sasabing wala nang pag asa ang ating bayan.
Pero naisip mo ba kung bakit ganito ang sitwasyon dito sa Pilipinas? Bakit puro
nalang bad news ang lumalabas sa mga balita at kung bakit nahuhuli tayo sa pag
unlad kung ikukumpara tayo sa ibang bansa?
Malawak ang usapin pag dating sa pag bagsak ng ating bansa
at maraming Pilipino ang mag mamarunong na magsasabi na alam nila kung bakit
tayo nag kakaganito. Sabi ng iba dahil daw sa corruption, yung iba naman sabi dahil
sa population pero ang corruption ay isa paring malawak na usapin kung kaya’t
nagiging mas Komplikado ang lahat at mahirap unawain para sa mga ordinaryong
Pinoy. Kaya minsan pag corruption na pinag uusapan ang unang iniisip natin ay
pulitika at gobyerno. Kaya’t sa huli isinisisi natin lahat sa administrasyon o
sa pamahalaan ang katayuan ng ating bayan.
Oo nga’t madami at malaki ang contribution ng pamahalaan sa
corruption ngunit naisip ba natin na kahit tayo mismong mga ordinaryong
mamayaan ay gumagawa din eto. Ang pinagkaiba lang natin sa kanila ay mas mataas ang katungkulan nila at hindi tayo
na babalita sa television kaya’t hindi nahuhuli ang mga kagaguhang ginagawa
natin.
Pag corruption na ang pinag uusapan ang unang pumapasok sa
isipan ng mga Pilipino ay ang pangungurakot or pangungupit ng mga opisyales sa
kaban ng bayan. Ngunit kung titingnan natin ang literal na ibig sabihin nito ay ang “pag-sisinungaling o panlilinlang ng mga taong may kapangyarihan at kadalasang
may kasamang suhol” o “pag-pababa sa moralidad ng isa o maraming tao” ibig
sabihin nito ay lahat ng taong may katungkulan hindi lamang sa gobyerno
ay maituturing na corrupt pag nanlinlang, nanuhol o ibinababa ang moral ng
kanyang mga tauhan o nasasakupan. Ibig sabihin din nito ay lahat tayo ay maaring guilty sa
corruption at nakakadag-dag sa di mabilis na pag asenso ng Pilipinas.
Hindi ko na iisa-isahin lahat ng mga kadahilanan dahil baka
humaba lang ng humaba ang usapang ito at mas lalo pang malito ang mga magbabasa
sa gusto kong iparating, pero mag-bibigay ako ng unting halimbawa na nakikita kong dahilan kung bakit napasama ang mga simple mamayan sa corruption at ang pinaka
sansi kung bakit tayo nag-kaganito.
Isa na dito ang crab mentality or isip talangka, alam kong
alam nyo na ito pero gaano ba kalawak ang pag kakaintindi natin dito?
Karamihan sa atin ang pag kakaalam sa crab mentality ay ang mga taong pilit na ibinababa ang iba dahil ayaw ka
nila itong makitang umasenso. tama yun pero malibang don ang isip talangka o crap mentality
ay likas na pag-uugali, di lang sating mga Pilipino pati narin sa mga ibang lahi. BAKIT? dahil...
Natural
lang sa tao na mag hangad na umangat sa buhay at natural lang din sa tao na
makaramdam ng saya tuwing nanalo sa isang kompetisyon at may tao ring
gagawin, lahat ng paraan para manalo o makamit ang pag unlad. Ngunit minsan may
mga nagagawa tayong hindi na maganda at minsan rin ay nakakasagasa na tayo ng ibang tao para
lang sa ating mithiin.
Halimbawa nalang sa bahay, gusto nating papurihan tayo ng
ating mga magulang sa mga ginagawa natin kaya’t gumagawa tayo ng mga bagay para
maging masaya sila at minsan naman nakakaramdam tayo pag-seselos o sakit kapag
inihahambing tayo sa ibang kamag anak natin dahil mas pinapaburan sila kesa sa iyo. Kata gumagawa tayo ng paraan para matapatan natin sila o mas
mahigitan pa sila. Ang nakakalungkot dito ay minsan nakakagawa tayo ng di maganda
hindi lamang sa kapwa natin, pati narin sating sarili para makamit lamang ang
papuring hinahangad.
Halimbawa madalas kinukumpara ng mga magulang ang grado ng
kanilang anak sa ibang kamag anak o ibang bata lalo na pag medyo mababa ang
nakukuha nitong marka, dahil dito nakakaramdam sila ng rivalry sa taong
ikinukumpara sa kanila. May mga bata na mag pupursiging mag aral ng mabuti para
matapatan ang karibal ngunit dahil hindi naman pantay pantay ang pag iisip ng
tao o sadyang mahina lang talaga ang isipan ng iba o kaya sadyang tamad lang, kaya imbes na mag-aral ng mabuti ay gumagawa sila di maganda
para matapaan ang karibal tulad ng mangongopya tuwing exam at minsan
humahantong pa ito sa paninira sa pag katao ng karibal para lamang maiangat
ang sarili.
Oo nga’t napaka simple at maliit na bagay lang nito ngunit ito ay
isang uri na nga pag-iisip talangka na maaring lumaki balang araw. Ang maliliit
na pandaraya ngayon ang mamaring lumaki at makasanay ng gumagawa sa hinaharap.
Ang simpleng pangungupit ng barya sa pitaka ng magulang ay maaring lumaki ng
lumaki, ang simpleng pag sisinungaling at paninira sa kapwa ay maaring
makasanay at pwedeng madala ito sa pag laki ng bata.
Marami pang di kanais nais na pag uugali ang
kaugnay sa crab mentality gaya ng
pag mamataas sa kapwa, paninirang puri, pang-lalamang, kasakiman at iba pa pa.
Aminin man natin o hindi kahit isang beses sa buhay ay nakagawa o nakaranas na
tayo ng ganitong kasalanan.
Ngayon, ano naman ang kinalaman nito sa pag bagsak ng ating bansa?
Dahil sa kasakiman natin o pag hahangand na malamang sa iba ay kung ano anong
klase ng diskarte ang nagagawa natin. Tandaan! Hindi lamang ang mga nasa gobyerno
ang magaling dito pati narin ang mga nasa matataas ng position sa private sectors at mga simple empleyado. Isang halimbawa nito ay ang
mga simpleng empleyado ng isang commercial store o malalaking tindahan. Para
mas lumakas kay bossing ay kung ano anong pambobola ang ginagawa o kaya naman
ay paninira ng katrabaho. Isa pang halimbawa ang paninira ng reputasyon ng isang
kompanya sa kalaban ng kompanya para lamang tangkilikin ang kanilang produkto o serbisyo ng taong bayan.
Kahit na gaano ka liit ang paninira kung pag sasama samahin natin ay malaki din
ang katumbas at dahil halos karamihan sa atin ay gumagawa ng ganito, mahirap nang malaman
kung sino ba talaga ang nag sasabi ng totoo at makapag-kakatiwalaan.
Bumalik tayo sa corruption, nasabi ko na hindi lamang sa
pamahalaan ito nangyayari at napaliwanag kona rin na kahit mga pribadong
establishments ay may roon nito. Pero dahil sa
public figure ang mga nasa itaas ay sila nalang lagi ang nakikita ng
media, paano naman ang mga nasa ilalim nila? Yung mga public servants na laging humaharap sa tao o mga simple mang-gagawa ng gobyerno. Sa totoo lang madami na
rin akong nakitang kurakot na government employee lalo na sa mga humaharap sa
taong bayan. Halimbawa nito yung mga nasa LTO, Health care center o sa mga
ahensya ng pamahalaan na kailangan nating kunan ng mga licensya, certificate at iba pa.
Ang
tinutukoy ko dito ay ang mga Fixers na sa unting halaga ay agad-agad na lalakarin ang papeles mo para sa mabilis na transaction. Sino ba naman ang di kukuha ng
fixer eh sadyang mainipin ang mga pinoy? Pero ang mas nakaka-gigil dito ay
hindi lamang ang mga atat o ayaw pumila sa linya ang tinutulungan ng mga fixers, pati narin ang mga
taong walang sapat na requirements o dokumento para makalusot sa proseso.
Kung nanonood ka ng balita ay
malamang na alam mo ang tungkol sa 7 taong gulang na babaing natamaan at
namatay dahil sa ligaw na bala at ang lalaking nag-wala at namaril ng mga taong
makakasalubong nito sa cavite . Ano naman
ang kinalaman ng corruption at fixers dito? Sa palagay ninyo kung ginagawa lang ng maayos at
tapat ng mga ahensya na nag-iisyu ng licensya ng baril gayun din ang mga nag
bebenta nito ay marahil mabawasan ang bilang ng mga civilian na makaka kuha ng
baril sa Pilipinas. Totoong mabusisi ang proseso para makakuha ng licensya ng baril dahil napaka delikado nito kung mapupunta sa masamang nilalang o mga taong wala sa tamang pag iisip.
Ngunit kung may kakilala ka sa gobyerno o sa ahensya nila ay di mo na kailangan
pang dumaan pa sa ibat ibang processo or magpasa ng kumpletong requirements.
Kaya kahit na hindi ka qualified na humawak ng baril ay makakakuha ka parin.
Ganon din ang nang yayari pag kumuha ka ng mga simple license tulad ng drivers
license at kahit na mga business permits. kahit di ka marunong magmaneho basta my pera ka makakakuha ka ng driver's license at professional pa.
Kaya ano nalang ang nang yayari,
madaming nagbabangaang sasakyan sa edsa, madaming legal business daw pero hindi
pala, kaya madaming naloloko.
At sa aking palagay hindi lang mga fixer and dapat sisihin dito kundi pati narin ang mga tumatangkilik sa serbisyo nila.
May mga bagay pa na alam kong hindi ko parin nababanggit tungkol sa corruption dahil napaka overrated na ito. Tulad ng mga pulis, mmda at traffic enforcers
na nangongotong o tumatanggap ng suhol sa edsa. Pati narin mga taxi, bus and
jeepney drivers na malaki maningil at mali
mali mag bigay
ng sukli at mga empleyado na nangungupit o nag nanakaw sa kanilang pinag-tratrabahuhan.
Huling salita
Alam kong medyo mahaba na at gasgas na gasgas na ang usaping
ito pero ang gusto ko lang sabihin dito ay hindi lamang yung mga nasa itaas ang
dapat nating sisihin sa pagbagsak ng ating bansa. Dahil kung tutuusin ay
pareparehas lang naman tayong mga pinoy na guilty sa nang-yayaring ito. Kahit
na napakaliit lang ng posiyon mo o simpleng manggawa kalang at simpleng
pangungurakot lang ang ginagawa mo, pag pinag sama-sama natin lahat yan ay
malaki ang epekto nito sa ating bayan. Kaya kung gusto nating magbago ang
ating bayan simulan natin ito sa ating sarili.
No comments:
Post a Comment