Friday, December 21, 2012

TOP 10 na nakaka-gigil tuwing PASKO


Here are my top 10 list of the most annoying thing that may happened during Christmas!



10. Lasing at away –

ang inuman o kasiyahan ay di nawawala pag ganitong may malaking okasyon. Pero minsan ang simple kasiyahan ay nauuwi sa magulong rambulan lalo na pag medyo nakakadami na ng inom. Ang nakakainis pa ay napadaan ka lang sa kalye nila at ikaw pa ang napag tripan ng lasing!

9. Ninong! Ninang! Nasaan ka! –
nakagawian na ng mga batang pinoy ang bumisita sa kanilang mga ninong o ninang tuwing pasko, ngunit ang isa sa mga nakakagigil dito ay pag nalamang mong wala si ninong sa bahay nila at galing ka pa sa malayong lugar!! San na aginaldo ko nong!?
8. mga inaanak na sandamakmak at lagpas na sa edad –
mapunta naman tayo sa mga inaanak, malamang kung friendly ka nong high school o college o sa mga kamag anak mo. Lagi kang naiimbitahan sa binyagan para maging ninong o ninang sa mga anak. Di mo namamalayan na dumadami at dumadami na pala mga inaanak mo. At tuwing sasapit na ang araw ng pasko ehhh nagugulat ka pag gising mo dahil sa dami ng batang naka abang sa loob bahay mo para sa aginaldo. WAHHHHH pero ang mas nakakagigil dito eh minsan yung inaanak mo ay may kasamang ibang bata na di mo naman inaanak kaya wala ka choice kundi bigyan din sya. At minsan kahit na lagpas 18 na yung inaanak mo ay pupunta parin sa bahay para sa aginaldo. Buti nalang nasa Tawi- tawi ako sa pasko!
7. regalo na di mo gusto –
mapunta naman tayo sa mga regalo, masarap sa pakiramdam kapag may natatangap tayong regalo galing sa mga kamag anak natin, exciting kasi nakabalot pa diba?! Pero madalas sa minsan nakaka disappoint pag nabuksan mo na yung regalo mo at di mo pala gusto ang nasa loob at wala kang magawa kundi itago ang pagkadismaya dahil ayaw mong sumama ang loob ng nag regalo sayo. TITA PERA NALANG NEXT HUH!
6. traffic and Christmas rush –
di naman nawawala ang trapik kahit di pasko pero kakaiba parin ang sisikan pag palapit na ang pasko lalo na sa mga tindahan, palengke at malls. At ang isa pang nakakagigil dito ay ang biglang taas ng mga bilihin. HOY MMDA KUMILOS NAMAN KAYO!
5. MMFF (Metro Manila Film Festival) 
HAIZT tuwing papasok ang kapaskuhan bumibida nanaman ang mga pelikulang Pilipino sa mga sinehan. Di naman sa di ko gusto ang sariling atin ngunit karamihan sa mga pelikulang pinipili ng Metro Manila Film Fest eh may halong politika kaya ayun mga walang kwenta ang pinapalabas. At bakit kailangan pa nila tangalin yung mga foreign films para lang sa mga basurang pelikula na halata naman na mindali ang pag kakagawa. Di ko sinasabing lahat ng palabas sa MMFF ay basura dahil meron naman mangilan-ngilan na talagang maganda. Pero yung iba kasi ay paulit ulit nalang! (alam nyo na ung ano tinutukoy ko,  ang kabayo ni enteng kabisote ng ina mo at agimat ng bahay ni lola)

4. Snatcher, budol-budol at iba pa –
isa sa mga nakaka inis ay ang mga masasamang loob na nadumadami tuwing sasapit ang kapaskuhan. Isipin mo naglalakad ka sa baclaran para mamimili ng regalo tapos pag kapa mo sa bulsa mo wala na wallet mo!
3. Namamalimos –
alam ko na tuwing pumapasok ang buwan ng Disyembre ay medyo lumalambot ang puso ng mga pinoy at nagiging mapagbigay ngunit bakit tuwing pumapasok ang pasko ehhh parang inaabuso ito ng ilan.
Naiintindihan ko yung mga batang pulubi sa kalye pero yung mga matatanda naka long sleeve pa minsan na papasok sa bus tapos kakantahan ka at dadasalan ka pa tapos biglang bibigyan ka sobre para sa donation. PAK!!!
2. Pera –
Asahan na pag malapit na ang pasko ehhh mas dumadami ang gastusin natin, party ditto, inuman don, bili ng regalo, pang date, pang motel, pang notche Buena. Tapos pagkatapos ng pasko. BOOM wala kana pera ulit!
1. Boss na di parin bibigay ang bonus mo! –
eto ang pinaka nakagigil sa lahat pag lumalapit na ang pasko. Excited kana kasi sahod nanaman at may inaasahan kang BONUS pero pag tingin mo sa ATM mo o sa pay slip WALEY bonus mo! At malapit na mag 24. yan tuloy di ka makabili ng regalo sa sarili mo dahil kukulangin na pera mo dahil naubos mo na sa kaka party party mo!

No comments:

Post a Comment