Saturday, December 29, 2012

At ang nanalo...



Sa mga nakalipas na taon masasabi kong medyo tumataas ng BAHAGYA ang mga pelikulang pinoy… masasabi kong medyo natututo na tayo at mas nagiging makabuluhan na ang mga Pelikulang pinapalabas sa Metro Manila Film Fest.

Oh akala ko lang yun…


Makakaisip ako ng madaming dahilan kung bakit di ko gusto ang mga pelikulang ipinapalabas sa MMFF, isa don ay ang mabilisan production ng pelikula tulad nalang ng mga pelikula ni Bong Revilla na halatang halata na minadali lahat mula sa script hanggang sa special effects at halata rin na kinopya sa ibang foreign films na lumabas noong taon na yun.

Isa pang halibawa ehhh paulit ulit na pag gamit ng mga artista at mga Movie sequels na nakaka sawa na. Pero kakaiba rin naman ang gimik ng mga producers ngayon para lang panoorin ng mga pinoy. Dahil alam nilang sawa na sa sequels ang mga manonood ehhh pinag sama-sama nalang nila ang palabas noong mga nakaraan na MMFF tulad ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako. Bakit di nalang nila pag sasamahin lahat pinoy super being para tapos na! halimbawa: Ang Petrang Kabayo ni Enteng, ni Agimat at Si ako: with special guest ang panday, mulawin, pedro penduko, Asiong Salonga, gagamboy at Darna! Diba parang Avengers lang! tapos Stop na! Wag na sundan next year!

Isama pa natin sa listahan ang walang kamatayang Shake, Rattle and Roll. Although tanggap kona na di na ito mawawala every year pero sana naman ilagay nalang nila sa tamang buwan. Paskong pasko kasi tapos pang araw ng patay yung papalabas nila.

Yung iba naman ay parang gumawa lang ng pelikula para makapasok sa MMFF at binabaliwa ang quality ng movie kaya ayun napaka babaw or napaka blen ng pelikula.

Lastly napaka predictable ng mga pelikulang Pilipino, sa trailer palang alam mo nangyayari at kung paano matatapos ang palabas. At sa Trailer palang alam mo kung cheesy, tae or may katuturan yung pelikula.

Minsan tuloy nahahalata na parang awards lang talaga ang habol ng movie makers sa MMFF at hindi ang ma-entertain ang mga manonood. 

Pero hindi ko naman nilalahat...

On the up side naman.
masasabi ko medyo maayos ang mga palabas ngayon sa 38th MMFF. Merong balance ang genre merong Drama, comedy Fantasy, horror, action, family friendly and mature theme kaya mas madaming pag pipilian ang mga manonood.

Ngayong nailabas kona ang pang-gigil ko punta naman sa awards night. Well yung resulta lang kasi hindi ko pinanood, kaya di ako makapag react sa nangyari. Bakit? Dahil alam ko naman na punong puno ito ng pulitika mayayamot lang ako.

and the Winners are: tan-tara-ran!
Best Float: "El Presidente"
Youth Choice Award: "El Presidente"
Best Child Star: Miguel Vergara, "One More Try"
Best Sound: Albert Michael Idioma, "El Presidente"
Best Musical Score: Jessie Lasaten, "El Presidente"
Best Theme 
Song: apl.de.ap and Jamir Garcia of Slapshock, "El Presidente"
Best Make-up: Warren Munar, "El Presidente" by Warren Munar and Co.
Best Visual Effects: "Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion"
Best Production Design: Brillante Mendoza, "Thy Womb"
Best Editing: Vito Kahili, "One More Try"
Best Cinematography: Odyssey Flores, "Thy Womb"
Best Supporting Actor: Cesar Montano, "El Presidente"
Best Supporting Actress: Wilma Doesnt, "Sisterakas"
Best Original Story: Henry Burgos, "Thy Womb"
Best Screenplay: Anna Ramos, "One More Try"
Best Director: Brillante Mendoza, "Thy Womb"
3rd 
Best Picture: "Sisterakas"
2nd Best Picture: "El Presidente"
Best Picture: "One More Try"
Best Actor: Dingdong Dantes, "One More Try"
Best Actress: Nora Aunor, "Thy Womb"

Huling salita
Tulad ng sinabi ko medyo maganda ang line up ngayon di tulad noong mga nakaraang taon. Medyo dissapointed lang ako sa best picture kasi sa palagay ko mas deserving yung “Thy womb” compare sa “Sisterakas”. Siguro Kung top grosser ang pag uusapan, lamang talaga ang Sisterakas and Si Agimat, Si Enteng at Si Ako dahil family theme movies sila at pasko kaya karamihan ng manonood ay bata o my kasamang bata. Pero para sa best picture? “El Presidente” o “Thy womb” ang dapat na nanalo.

Kung ako tatanongin mas papanoorin ko pa ang “El Presidente” dahil historical ang tema neto pero para sakin lang yun.

 again opinion ko lang lahat ng ito at sana irespeto nyo! peace



No comments:

Post a Comment